Gibo Teodoro, umaangat pa sa mga senatorial survey ilang araw bago ang May 9 elections

148

Pasok sa magic-12 sa mga senatorial survey si dating Defense Secretary Gibo Teodoro ngayong papalapit ang halalan.

Batay sa resulta ng survey na isinagawa ng Argus Polls Inc. noong Abril 9 hanggang 12 sa 10,000 respondents nationwide, nasa ika-pitong pwesto si Teodoro sa senatorial candidates.

Bago niyan, pasok din sa top 12 sa senatorial survey at nasa ika-sampung pwesto si Gibo sa survey na isinagawa naman ng Publicus Asia.


Ayon kay Teodoro, malaking bagay sa kaniyang pag-angat ang pag-endorso ni Pangulong Rodrigo Duterte kung saan sinabi nitong si Gibo ang kaniyang top pick para sa senador sa darating na eleksyon.

Iginiit ng Pangulo na walang bahid kurapsyon si Gibo sa kaniyang ilang taon ng pagseserbisyo noon mula pa nang maging kongresista ng Tarlac at ang pagiging bar topnotcher nito noong 1989.

Facebook Comments