Gift – Giving sa mga kabataan ipinagpapatuloy ng North Cotabato Government

Abot tenga ang ngiti ng mga bata maging ng kanilang mga magulang sa barangay Bongolanon, Magpet North Cotabato makaraang tumanggap ang mga ito ng regalo at foodpacks sa isinagawang Gift-Giving ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cotabato kahapon.

Mismong si North Cotabato Governor Nancy Catamco ang isa -isang nag -abot ng regalo na naglalaman ng iba’t ibang mga candies at chocolates na nakapaloob sa isang plastic food container sa mga bata habang food packs naman ang handog sa kanilang mga magulang maging sa mga guro.

Ayon sa gobernadora, huli man daw ang pamimigay ng regalo ngunit wala ito sa panahon dahil para sa kanya, araw- araw ay pasko.


Nag- alay rin ng katutubong kanta ang gobernadora na masigasig namang sinabayan ng ilang piling bata.

Sa kabuuan, umabot sa 706 ang naipamigay na regalo habang 274 naman ang mga foodpacks.

Labis na pinasalamatan ng mga magulang at mga bata ang natanggap nilang regalo mula sa pamahalaang panlalawigan.(M.V.F)

Facebook Comments