GIFTED | Barbero sa Argentina, hinahangaan ngayon dahil sa galing nitong manggupit

Argentina – Isang lalaki sa Argentina ang hinahangaan ngayon dahil sa kakaiba nitong determinasyon na maging barbero sa kabila nang pagkaputol ng kaniyang mga kamay.

Sa maniwala kayo o hindi, 14-anyos pa lamang si Gabriel Heredia nang magsimulang manggupit ng buhok kahit pa wala na itong kamay ng siya ay ipanganak.

Ayon kay Gabriel, hindi siya nagpa-apekto sa mga negatibong komento ng ibang tao sa kaniyang pagiging handicap kung saan natutunan niyang manggupit sa tulong ng kaniyang nanay na isang hairdresser.


Sinabi pa ni Gabriel na kung nais mo na maabot ang pangarap mo, kaya mo itong abutin kahit pa anong itsura ng pagkatao at estado mo sa buhay.

Sa ngayon, dinadagsa ang barber shop ni Gabriel sa Buenos Aires pero kailangan mo pang magpa-book sa kaniya dahil daan-daan pa ang nakapila simula nang buksan niya ito noong nakaraang buwan.

Facebook Comments