Manila, Philippines – Hinahangaan ngayon sa buong mundo ang husay ng isang 20-anyos na lalaki sa Massachusetts, USA.
Ito ay matapos na makumpleto ni Jack Brait ang 40,320-piece Disney jigsaw puzzle sa loob lang ng tatlong buwan.
May taas na anim na talampakan at lapad na 22 talampakan ang jigsaw mural kung saan tampok ang mga classic scene sa Disney films gaya ng The Jungle Book, Peter Pan, Bambi Fantasia, The Lion King at The Little Mermaid.
Si Brait ang kauna-unahang American born person na nakakumpleto ng mahigit dalawa sa pinakamalalaking puzzles sa buong mundo.
At ang kahanga-hanga pa rito, hindi naging hadlang ang pagkakaroon niya ng autism, isang neurodevelopmental disorder para mabuo ang mga puzzle.
Tatlong taong gulang pa lang si Brait nang makahiligan niya ang pagbuo ng mga puzzle.