GIGI DE LANA AT BANDMATES NITO, NASANGKOT SA AKSIDENTE SA LA UNION

Muntik hindi matuloy ang Gig ng banda nina Gigi De Lana at Gigi Vibes matapos silang masangkot sa aksidente sa San Fernando city la Union.
Nagtamo ng minor injuries ang OPM Singer na si Gigi De Lana at ang miyembro ng “The Gigi Vibes” habang patungo sa Ilocos Norte nitong Linggo ng umaga para Sana sa isang Gig.
Sa kanyang Facebook post, kinumpirma nitong kasama niya sa van ang mga band members na sina Jon, Oyus, Mela, at iba pang apat na miyembro.

Papunta na sila sa isang gig nang mangyari ang aksidente kung saan ay sinasabing naka idlip ang driver ng SUV kung saan nakasakay ang singer dahilan para bumangga ito sa isang nakaparadang sasakyan.
Natuloy naman ang Gig ng banda sa Ilocos matapos na mabigyan ng clearance ng ospital. |ifmnews
Facebook Comments