Giit ni Tiangco na overhaul sa Kamara, bunga umano ng kabiguan nitong maging speaker, ayon kay dating Rep. Barbers

Agad tinabla ni Speaker Chief Communications Officer Robert Ace Barbers ang panawagan ni Navotas Rep. Toby Tiangco para sa isang “total overhaul” ng House of Representatives.

Giit ni Barbers, ang naturang hirit ni Tiangco ay bunga lang ng frustration o kabiguan nito na maging House Speaker o chairman ng Appropriations committee.

Kasabay nito ay binigyang-diin ni Barbers na hindi natitinag ang matibayna suporta ng mga miyembro ng Kamara kay Speaker Ferdinand Martin Romualdez.

Tiniyak din ni Barbers na nananatiling tapat ang mga pinuno ng partido sa supermajority coalition sa ilalim ng pamumuno ni Speaker Romualdez.

Ayon kay Barbers, ang matatag na tiwala ng mga mambabatas kay Romualdez ay hindi apektado ng mga walang basehan at walang ebidensyang pagdawit sa kanya at sa iba pang mga kongresista sa maanumalyang flood control projects.

Facebook Comments