Gilas, babawi kontra Angola

Target na makuha ng Gilas Pilipinas ang isang panalo kontra Angola sa huling laban sa Group D sa nagpapatuloy na 2019 FIBA World Cup.

Kasunod ito ng dalawang beses na pagkatalo ng national team kontra Italy at Serbia sa nasabing torneyo.

Maghaharap ang Gilas at Angola sa Miyerkules, alas-3 ng hapon kung saan muling susubukan ng Gilas na makuha ang panalo.


Matatandaang kapwa wala pang panalo ang Pilipinas at Angola sa Group D.

Samantala, inaasahang dederetso na sa classification phase ang mga koponan para sa bottom 16 teams ng FIBA World Cup.

Facebook Comments