Gilas, hindi pa rin mabuo sa practice

Hindi pa rin makumpleto sa practice ang mga miyembro ng Gilas Pilipinas.

Ngayong tapos na ang PBA Commissioners Cup, cleared na sina June Mar Fajardo, Roger Pogoy at Troy Rosario na sumalang sa training pero baka magpahinga muna ang mga ito dahil sa mahabang series.

Sa kabila nito, pasok na sila sa 12-man team ni coach Yeng Guiao.


Dalawa na lamang ang kulang para mabuo ang final 12 line-up na sasabak sa FIBA World Cup.

Inaanunsyo ito pagkatapos ng friendly game ng Gilas kontra Adelaide 36ers ng Australia.

Facebook Comments