Gilas, may bagong head coach!

Itinalaga na bilang bagong head coach ng Gilas Pilipinas sa darating na Sea Games si Ginebra coach Tim Cone.

Papalitan niya ang nagbitiw na si coach Yeng Guiao.

Ayon kay Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) President Al Panlilio – nilalatag pa nila ang magiging composition ng Gilas at magiging assistant coaches sa nalalapit na torneyo.


Sinabi ni Cone – malugod niyang tinatanggap ang posisyon.

Nilinaw din ng SBP na hindi pa ito ang final arrangement para sa FIBA 2023 World Cup.

Facebook Comments