Gilas, panalo sa tune-up game kontra Ivory Coast; 94-83

Napanatili ng Gilas Pilipinas ang kanilang unbeaten record matapos talunin ang Ivory Coast sa tune-up games nito sa Spain, iskor 94-83.

Maganda ang pagsisimula ng African squad sa first half pero agad bumawi ang pambansang koponan sa pangunguna ni naturalized center Andray Blatche na may 18 points, 10 assist at 10 rebounds.

Pare-pareho ding nagsumite ng double digits sina Paul Lee, Japeth Aguilar at CJ Perez upang burahin ang kalamangan ng Ivory Coast.


Next stop ng Gilas ang malarga para sa Pocket Tournament.

Facebook Comments