Gilas Pilinas, determinadong manalo kontra BC Astana-Kazakhstan sa 26th FIBA Asia Champions Cup 2017

Sports – Target ng Gilas Pilinas na talunin ang BC Astana-Kazakhstan sa kanilang paghaharap sa 26th FIBA Asia Champions Cup 2017.

Maglalaban ang dalawang koponan mamayang 9:45 p.m. ng gabi sa Chenzhou Sports Complex sa China.

Malaking bentahe para sa Gilas ang bago nilang miyembro na si Isaiah Austin.


Tiniyak ng Gilas na kanilang yayanagin ang buong Asya sa target na makuha ang kampeonato.

Ayon kay National Coach Chot Reyes, patuloy na nag-aayos ng kaniyang Chinese visa sa Hong Kong ang isa pa nilang import na si Rob Ebondo.

Kabilang naman sa miyembro ng Gilas sina Kiefer Ravena, Carl Bryan Cruz, Raymar Jose, Almond Vosotros, Norbert Torres, La Revilla, magkapatid na Jeron at Jeric Teng, Jett Manuel, at Alfrancis Tamsi habang reserves sina Gab Banal at Andre Paras.

Facebook Comments