GILAS PILIPINAS | Andray Blatche, excited nang makasama sa ensayo

Manila, Philippines – Excited na ang naturalized player na si Andray Blatche na makasama sa practice ng Gilas Pilipinas ngayong araw.

Ito ay matapos siyang payagan ng mother team niya na Xinjiang Flying Tigers kung saan siya naglalaro sa Chinese Basketball Association.

Makakasama na si Blatche sa ensayo ng national team bilang paghahanda sa FIBA World Cup Asia Qualifiers.


Unang makakalaban ng gilas ang Australia sa Melbourne, sunod ang Japan na gaganapin naman dito sa Pilipinas.

Facebook Comments