Gilas Pilipinas at Mighty Sports, nagtabla sa kanilang tune-up game

Nauwi sa tabla ang tune-up game ng Mighty Sports at Gilas Pilipinas kagabi.

Natapos ang laro sa 85-all matapos pumukol ng tig-isang tres si Marcio Lassiter at TJ Perez para burahin ang 6-point lead ng Mighty sa huling minuto ng laro.

Photo Courtesy: Tie Breaker Times

Ayon kay Gilas coach Yeng Guiao – hindi pa pulido ang execution ng Gilas sa laro.

Umaasa siya na magiging maayos ito sa mga susunod na practice.

Aantayin nilang dumating si Andray Blatche ngayong linggo bago i-anunsyo ang final pool.

Facebook Comments