Gilas Pilipinas Coach Chot Reyes, tanggap na ang hindi pagpapahiram ng mga PBA teams sa kanilang magagaling na players

PBA – Tanggap na ni Gilas Coach Chot Reyes ang isyu hinggil sa pagpapahiram ng magagaling na players sa bawat koponan sa PBA.

Ayon kay Reyes, noong una pa lamang ay alam na nito na marami sa malalakas na manlalaro ay hindi nila naisasama sa national squad sa kadahilanan ayaw itong palaruin ng kanilang mga mother club.

Napag-alaman na ang nalalapit na FIBA Asia Cup na gaganapin sa Lebanon ay hindi na magsisilbing qualifier sa world cup o nang Olympics, importante pa rin daw ito para sa Gilas upang mapag-aralan ang mga koponan na kanilang makakalaban.


Nabatid kasi na ang labing-anim na teams na kasali sa FIBA Asia Cup ay otomatikong kasama na sa first round of the 2019 FIBA Basketball World Cup Qualification.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments