Gilas Pilipinas, inilampaso ang Congo sa tune-up match nito sa spain

Pinataob ng Gilas Pilipinas ang Congo sa isang close-door tune-up match, sa iskor 102-80 sa Spain.

Pinangunahan ni Naturalized Player Andray Blatche ang pambansang koponan na may team high 25 points, kasunod si Forward Japeth Aguilar na may 22 points.

Ipinamalas naman ni Mark Barocca ang kanyang 15-markers


Susunod na makakatunggali ng gilas ang Ivory Coast ngayong araw bago dumiretso sa isang pocket tournament sa malaga.

Inaasahang babalik ang Gilas sa bansa sa August 13 para isapinal ang kanilang preparasyon sa nalalapit na Fiba World Cup sa katapusan ng buwan.

Facebook Comments