Gilas Pilipinas, inilampaso ng South Korea sa William Jones Cup

Sports – Bigo ang Gilas Pilipinas na talunin ang South Korea sa nagpapatuloy na William Jones Cup sa Taiwan sa iskor na 83-72.
Mahigpit na depensa at pambihirang outside shooting ang ipinakita ng South Korea na nagbigay sa kanila ng kalamangan sa pambansang koponan.

Nanguna sa Gilas sina import Mike Myers, guard na si Jio Jalalon habang nag-ambag din sa laro si Fil-Am Center Christian Standhardinger at Kiefer Ravena.

Sa ngayon, mayroong tatlong panalo at dalawang talo na ang Gilas.


Facebook Comments