Manila, Philippines – Inihayag na ni Gilas Pilipinas Head Coach Chot Reyes ang 15-man pool ng mga Players na maglalaro para sa ikalawang qualifying round ng 2019 FIBA World Cup sa China.
Ilan sa mga ito ay sina Jayson Castro, Kiefer Ravena, Kevin Alas, RR Pogoy, Matthew Wright, Allein Maliksi, Gabe Norwood, Calvin Abueva, Carl Bryan Cruz, Mac Belo, Troy Rosario, Raymond Almazan, Japeth Aguilar, June Mar Fajardo at ang nagbabalik na si Jio Jalalon.
Matatandaan na hindi nakapaglaro si Jalalon sa laban nila sa Japan at Chinese-Taipei dahil sa injury nito.
Sa mga nasabing players, kukuha si Coach Chot ng labing isa sa mga ito na siyang makakasama ni naturalized player Andray Blatche para sa laban nila kontra Australia sa Melbourne sa February 22 at sa Japan sa February 25 na gaganapin sa Pilipinas.