Manila, Philippines – Inamin ngayon ni Gilas Pilipinas head coach Chot Reyes na marami pa silang kailangan gawin kahit na naging maganda ang panimula nila sa Asian Qualifiers ng 2019 FIBA World Cup.
Matapos na manalo ng Gilas sa team ng Japan sa kanilang debut game noong Biyernes sa score na 77-71 sinabi ni Reyes na kulang at hindi pa din naging maganda ang ipinakitang laro ng national squad.
Dagdag pa ni Reyes, kailangan pa nilang ayusin ang kanilang performance at mag-adjust sa opensa.
Makakalaban naman nila ang karibal na Chinese Taipei mamayang alas-7:30 ng gabi sa Araneta Coliseum.
Facebook Comments