Binati at pinuri ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang buong Gilas Pilipinas men’s basketball team, pati ang kanilang mga coach at staff.
Ito ay matapos nilang mabawi ang gintong medalya sa 32nd Southeast Asian Games (SEA Games) sa isang kapana-panabik na laban kontra sa bigating koponan ng Cambodia.
Diin ni Speaker Romualdez, tunay na nakapagbibigay ng inspirasyon ang pagbawi ng Pilipinas sa SEA Games basketball crown.
Ayon kay Romualdez, kahanga-hanga ang tiyaga ng Gilas Pilipinas team na muling magtagumpay matapos matalo sa Indonesia noong 2022.
Umaasa si Romualdez, na ito na ang simula ng paghahari ng bansa sa SEA Games men’s basketball sa mahabang panahon.
Facebook Comments