Gilas Pilipinas, nagwagi kontra sa defending champion na China sa FIBA Asia Cup

Manila, Philippines – Pinataob ng Gilas Pilipinas ang defending champion na China sa 1st game nila sa FIBA Asia Cup sa Beirut, Lebanon sa iskor na 96-87.

Nagpakitang-gilas na ang pambansang koponan mula sa unang kwarter ng laro hanggang sa nakahabol ang China sa huling bahagi.

Bumida sa laro si Terrence Romeo matapos magpakawala ng walong puntos sa huling tatlong minuto ng laro.


Nagtapos si Romeo ng 26 big points, 4 assists at nagawang maipasok ang limang 3 point shots mula sa pitong attempts.

Nag-ambag naman si Fil-German na si Christian Standhardinger na may 15 points at 6 rebounds.

Kumadada naman ng 13 points at 7 assists si Jayson Castro, 12 points naman si Matthew Wright habang si Roger Pogoy ay nagtala naman ng siyam na puntos.

Matatandaang natalo ang gilas sa China noong 2015 sa FIBA Asia Championship.

Facebook Comments