Gilas Pilipinas, nasa China na

Nasa China na ang Gilas Pilipinas bago ang kanilang laban sa FIBA World Cup.

Walang sasayanging oras ang national men’s basketball team dahil tuloy pa rin ang kanilang ensayo sa Guangzou.

Bukas na mag-uumpisa ang kanilang kampanya kontra sa koponan ng Italy Serbia at Angola sa Group D.


Inaasahang manonood sa unang laban ng Gilas si Pangulong Rodrigo Duterte.

Facebook Comments