Gilas Pilipinas, panalo kontra Thailand sa FIBA Asia Cup

120

Tinambakan ng Gilas Pilipinas ang Thailand sa score na 93-61 sa 2021 FIBA Asia Cup qualifiers na ginanap sa Khalifa Sports City sa Manama, Bahrain.

Bumida sa panalo ng Gilas si Dwight Ramos na nagtala ng 20 points habang mayroong tig-12 points sina Juan Gomez de Liano at Justine Baltazar.


Dahil sa panalo ay tabla na ang Gilas sa South Korea sa Group A na mayroong dalawang panalo at walang talo.

Unang nanalo ang Gilas noong Pebrero na tambakan nila ng 30 points 100-70 ang Indonesia bago tuluyang masuspendi ang mga laro dahil sa COVID-19 pandemic.

Facebook Comments