Gilas Pilipinas, papalit sa New Zealand para sa slot ng FIBA Olympic Qualifiers

Papalitan ng Gilas Pilipinas sa FIBA Olympic qualifiers ang New Zealand na gagawin sa Belgrade, Serbia.

Ayon sa FIBA, nagdesisyon ang New Zealand na hindi na sumali sa Olympic Qualifying Tournament (OQT) dahil sa pagdami ng mga kumpetisyon na magiging magastos sa parte nila sa pagpadala ng kanilang manlalaro.

Paliwanag ng FIBA, napili ang Pilipinas dahil sa ranking nito sa Asia-Oceana region sa men’s world ranking.


Makakasagupa ng Gilas sa Belgrade ang Group A na Dominican Republic, Serbia at sa Group B ay ang Puerto Rico, Italy at Senegal.

Ang apat na best team na nangibabaw sa lahat ng OQT ay ang Lituhuania, Croatia, Canada at Serbia na abanse na sa Tokyo para sa Summer Games.

Facebook Comments