Gilas Pilipinas, sasabak kontra canada sa William Jones Cup sa Taiwan

Sports – Haharapin ng Gilas Pilipinas ang Canada sa pagsisimula ng kanilang kampanya sa William Jones Cup sa Taiwan.
Ayon sa kanilang assistant coach na si Josh Reyes, nais nilang manalo kontra sa Canada pero hindi raw magiging madali ito dahil bukod sa malalaki at matatangkad ang mga kalaban ay hindi nila kilala ang mga koponan.
Makikita rin ngayong araw na ito ang debut sa naturang team sina Kobe Paras, Chris Standhardinger at Kiefer Ravena sa ilalim ni Coach Chot Reyes.

Facebook Comments