GILAS PILIPINAS | “Street ball” style, ipangtatapat kontra Japan

Manila, Philippines – “Street ball” style ang magiging bala ng Gilas Pilipinas sa paghaharap nila ng Japan team sa FIBA Asia Cup Qualifier mamayang gabi.

Ayon kay coach Chot Reyes – sisiguraduhin nilang makikipagsabayan sila sa Japan sa kabila ng kakulangan sa karanasan ng line up ng Gilas.

Hindi rin daw mamaliitin ng team ang mga players ng Japan kahit dalawang beses nila itong tinalo noong 2015 FIBA Asia championship.


Samantala, naniniwala ang naturalized player na si Andray Blatche na pagkakataon ang nasabing laro para ipakita ang kasanayan ng Gilas.

Facebook Comments