Gilas Pilipinas, target ang semifinals kontra South Korea sa 2017 FIBA Asia Cup

FIBA – Makikipagtuos mamayang gabi ang Gilas Pilipinas kontra South Korea sa quarterfinals ng 2017 FIBA Asia Cup sa Nouhad Nawfal Sports Complex sa Beirut, Lebanon.

Hindi pa nanalo ang Pilipinas sa huling laro nito kontra South Korea.

Gayunpaman, posibleng maglaro mamayang 11.30 ng gabi si June Mar Fajardo laban sa South Korea.


Inaasahan na pangungunahan nina Terrence Romeo, Matthew Wright, Jason Castro, Gabe Norwood at iba pa ang target ng Gilas na makausad sa semis ng torneo.

Facebook Comments