Bigong manalo ang Gilas Pilipinas kontra Italy sa pagbubukas ng 2019 FIBA Basketball World Cup sa China.
Sa Unang Quarter pa lamang ay nagpaulan na ng three-point shots ang Italy at nahirapan ang Gilas na pigilan ito.
Sinamantala naman ito ng kalaban para tambakan ang National Team, 62-108.
Dismayado naman si Head Coach Yeng Guiao dahil aniya, ang laro nila laban sa Italy ang pinakamahalaga sa lahat ng magiging laro nila sa Torneo.
Kung matalo, malabo na kasi aniyang na makausad pa sila sa susunod na round.
Sunod na makakalaban ng Gilas sa Lunes ang Serbia.
Samantala, agaw-pansin sa laban ang personal na panonood ni Pangulong Rodrigo Duterte na una nang dudang mananalo ang Gilas kontra Italy.
Ayon naman kay Senador Bong Go, kahit talo, proud ang mga Pinoy sa Gilas.