Gilas Pilipinas, umani ng papuri mula sa mga kongresista

Kaliwa’t kanang papuri ang ibinigay ng mga kongresista sa Gilas Pilipinas dahil sa makasaysayang pagsungkit nito ng gintong medalya sa 19th Asian Games.

Ayon kay House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, ang tagumpay ng Gilas Pilipinas ay patunay ng hindi natitinag na determinasyon at dedikasyon ng mga Pilipinong atleta na nagpakita ng kahanga-hangang husay, teamwork, at katatagan sa kanilang karera.

Diin naman ni CIBAC Rep. Bro. Eddie Villanueva, ang nakakamanghang tagumpay ng Gilas Pilipinas ay hindi lang dagdag sa karangalan na nakaukit sa ating kasayasayan kundi isang inspirasyon din at pampalakas ng ating kumpyansa sa gitna ng mga hamon at paghihirap na ating hinaharap bilang isang bansa.


Para naman kay Camarines Sur Representative LRay Villafuerte, ang pagwawagi ng Gilas ay tila “slum dunk” na nagbalik sa ating bansa sa estado bilang hari ng basketball sa bahaging ito ng mundo.

Diin pa ni Villafuerte, sa pagpapakitang gilas ng Gilas ay napatunayan na “puso” ang taglay ng kanilang DNA.

Facebook Comments