Gilas Pilipinas, uuwing walang panalo

Nagtapos ang kampanya ng Gilas Pilipinas sa 2019 FIBA World Cup na walang naiuwing panalo matapos matalo sa Iran sa score 95-75.

Naging disadvantage sa pambansang koponan ang ilang kategorya: rebounding; points in the paint at second-chance points.

Ayon kay team captain Gabe Norwood – “tried and tested” na ang lakas ng Iran.


Aminado rin si Gilas coach Yeng Guiao na playing hard ang Iran at sinubukan nilang pantayan ang kanilang energy.

Na-eject pa si naturalized player Andray Blatche dahil sa dalawang technical fouls.

Dahil dito, hindi na kasama ang Gilas sa Olympic qualifying tournament dahil ang top 16 lamang ang makakapasok na siyang lalaban sa walong qualifiers para makapaglaro sa 2020 Tokyo Olympics.

Samantala, inaabangan na ang championship game ng DZXL Radyo Trabaho Basketball Tournament.

Makakalaban ng RMN Head Office ang Lunas Kalusugan.

Nakuha ng Gentle Hands Holistic Wellness Center ang 2nd runner-up habang itinanghal naman na 3rd runner-up ang DZXL RT Xanthone Plus Team.

Facebook Comments