Gilas Pilipinas, wagi kontra Iraq sa nagpapatuloy na William Jones Cup

Sports – Wagi ang Gilas Pilipinas matapos talunin ang Iraq sa nagpapatuloy na William Jones Cup sa iskor na 84-75.

Bumida si import Mike Myers na may 16 points at 18 rebounds habang mayroong 13 points, anim na assist si Kiefer Ravena.

Nagpamalas naman ng 12 puntos si RR Pogoy.


Naungusan agad ng pambansang koponan ang Iraq mula sa 1st quarter at napanatili nila ang kanilang pangunguna hanggang sa huling kwarter ng laro.

Para makakuha ng medalya kailangang napataob ng gilas ang Lithuania na susunod nilang makakalaban.

Facebook Comments