Gilas Pilipinas, wagi kontra Taiwan sa William Jones Cup

69

Sports – Inilampaso ng Gilas Pilipinas ang Taiwan sa nagpapatuloy na 2017 William Jones Cup sa iskor na 88-72.

Bumida ang 17 points at 15 rebounds ni Filipino-German Christian Standhardinger.

Nag-ambag naman ng 17 points si Matthew Right at kumadada naman ng 15 points, walong rebounds at apat na assist si Kiefer Ravena.

Sa first quarter pa lamang ay hawak na ng pambansang koponan ang laro.

Matatandaang bigo nilang patumbahin ang Canada nitong Sabado.

Facebook Comments