Gilas Pilipinas women, bigo ring makapasok sa FIBA Asian Cup

Hindi nagawang makapasok ng Gilas Pilipinas Women sa FIBA Women’s Asia Cup na ginaganap sa India.

Nitong huli, natalo sila sa New Zealand sa iskor na 75-57.

Lamang ang Gilas women sa unang kwarter pero nakahabol ang New Zealand hanggang sa naungusan na sila.


Nasayang ang 15 points ng pambato ng Gilas women na si Janine Pontejos at 12 points, ni Afril Bernardino.

Nagtapos ang kampanya nila na walang naiuwing panalo.

Facebook Comments