Gilas, pinadapa ng Serbia sa FIBA World Cup

Hindi umubra ang Gilas Pilipinas at napayuko sa Powerhouse Serbia sa score 126-67 sa FIBA World Cup sa Foshan, China.

Dahil sa dalawang sunod na talo, bigo ang Gilas na makakuha ng slot para sa ikalawang round ng torneyo.

Hindi naman nagustuhan ni Serbia coach Sasha Djordjevic ang asta ni Paul Lee nang banggain at matumba ang isa niyang player.


Tingin naman ni Gilas coach Yeng Guiao – hindi sinadadya ni Lee iyon.

Dagdag pa ni Guiao – nadismaya siya sa performance ni naturalized player Andray Blatche.

Pero hindi lang sa iisang player ang nakasalalay ang pagkapanalo.

Pareho nang nanguna ang Italy at Serbia sa group D ng naturang tournament.

Ang Pilipinas at Angola na parehong walang panalo ay maglalaban bukas.

Facebook Comments