Gilas, winless sa FIBA World Cup

Nabigo ang Gilas Pilipinas na pabagsakin ang Angola na nauwi pa sa overtime sa score na 84-81 sa FIBA World Cup.

Nakalamang pa ang Gilas sa 4th quarter pero mabilis na nakabalik ang Angola para itabla ang laban.

Pumalya rin ang desperadong three-point shot ni Kiefer Ravena sa pagtunog ng buzzer sa overtime.


Dahil dito, lumiit ang tiyansa ng Gilas na makuha ang automatic 2020 Olympic slot para sa Asya.

Bibiyahe ang Gilas sa Beijing, China upang harapin ang Iran at ang matatalo sa hiwalay na laro ng Puerto Rico at Tunisia sa Group N.

Facebook Comments