Matagumpay ang naging resulta ng naganap na Gilon Gilon ed Dalan noong April 15 na bahagi ng pagdiriwang ng Bangus Festival 2023 sa darating na April 30.
Dinagsa ng libong mga tao upang makiisa nasabing aktibidad at na may pag-antabay naman ng iba’t-ibang hanay sa lokal na pamahalaan ng Dagupan katuwang ang mga kapulisan.
Sa street dancing competition, wagi ang cluster IV na kinabibilangan ng mga residente mula Barangay Bonuan Boquig, Binloc at Gueset at may animnapu o 60 na mga mananayaw. Nasungkit din ng Cluster IV ang best in costume at best in street dancing.
Nanalo rin ang Cluster II, mula sa barangay ng Tebeng, Tambac, Mamalingling at Herrero Perez. At ang Cluster I na mula sa barangay ng Caranglaan, Bacayao Sur, Bacayao Norte at Mayombo.
Samantala, ilan pang mga aktibidad ang aabangan ng mga Dagupenos at mga turista sa pagdiriwang ng Bangus Festival 2023. |ifmnews
Facebook Comments