GILON-GILON ED DALAN BILANG BAHAGI NG BANGUS FESTIVAL 2023, NAG-UMPISA NA SA PAGSASANAY

Inumpisahan na ng mga performers at choreographers ang pagsasanay sa Gilon Gilon ed Dalan bilang bahagi ng nalalapit na pagdiriwang sa Bangus Festival na gaganapin sa buwan ng Abril ngayong 2023.
Matatandaan na sa nakaraang pagpupulong ng alkalde sa mga katuwang na ahensya ng gobyerno sa paghahanda para rito, nabanggit nitong tututukan din ang dance steps sa Gilon Gilon at may planong mas pagandahin ito sa pamamagitan ng pagkakaroon ng unique dance steps na naglalarawan sa pinaka-produkto ng Dagupan City – ang Bangus at mga mangingisda.
Alinsunod dito, nito lamang ay dumalaw na ang event management team ng Cebu Sinulog Creative Team upang magbahagi ng kanilang kaalaman sa magiging organisasyon, disenyo at konsepto ng Bangus Festival.

Samantala, mayroong limang orihinal na dance steps na gagamitin na ng bawat kalahok simula ngayon.

Maituturing itong unique o kakaiba sapagkat taglay ng mga naturang dance steps ang mga aksyon kung paano mag-harvest ang mga mangingisda ng mga bangus. |ifmnews

Facebook Comments