Inanunsyo na ng lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Dagupan ang iskedyul ng isa sa pinakamakulay at pinaka-aabangang okasyon tuwing sumasapit ang Bangus Festival sa Dagupan City.
Ito ang Gilon-Gilon Ed Baley Festival o ang Street Dancing competition sa lungsod kung saan magtatagisan ang mga kalahok sa pamamagitan ng pagsayaw sa mga kakalsadahan ng lungsod.
Dito, Inanunsyo ng alkalde na kasali umano lahat ang nasa 31 Barangay ng lungsod sa patimpalak na ito.
Magtatagisan ang mga kalahok sa kanilang pinal na destinasyon sa Downtown-City Plaza sa darating na ika-14 ng Abril, Biyernes, alas -tres ng hapon.
Sa okasyong ito, inaanyayahan ang lahat ng Dagupeño na saksihan ang makulay na aktibidad na ito para sa kanila maging sa mga bisita na makikinood mula sa iba’t ibang karatig lugar ng lungsod.
Matatandaan na dahil sa pandemya ilang beses din itong natigil dahil sa mahigpit na restrictions. |ifmnews
Facebook Comments