Manila, Philippines *- *Ipinagtanggol ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo si Presidential Spokesman Harry Roque at Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano.
Ito ay matapos ihayag ni Roque at Cayetano na ginagamit ng mga drug lords ang mga human rights groups para sirain ang kampanya ng administrasyon kontra ilegal na droga.
Nabatid na pinalagan ng Human Rights Watch (HRW) ang mga pahayag nina Roque at Cayetano.
Iginiit din ng HRW na kahiya-hiya at delikado ang mga tinuran ng dalawang opisyal.
Nanagawan ang HRW na bawiin ng dalawa ang kanilang mga pahayag dahil wala naman silang basehan.
Ayon kay Panelo, misplaced at wala sa lugar ang hiling ng HRW na bawiin nina Roque at Cayetano ang kanilang mga pahayag at hindi rin maituturing bastos ang mga ito.
Naniniwala rin si Panelo na ginagamit ng mga drug lords ang ilang grupo para patumbahin ang gobyerno.