GINAGAMIT NA PALAMUTI? | Grupong Bayan, magsasagawa ng protesta upang tutulan ang Charter Change

Manila, Philippines – Ikinasa na ng grupong Bayan ang isang kilos protesta sa harapan ng Batasang Pambansa kasabay narin ng pagbabalik ng sesyon ng Kongreso.

Ayon kay Bayan Secretary General Renato Reyes tutulan nila ang planong pagratsada ng Charter Change sa pamamagitan ng Constitutional Assembly o Con-As na planong pag amyenda ng konstitusyon na walang ibang pakay umano kundi palawigin ang mga nakaupong opisyal at dagdagan ang kapangyarihan ang pangulo.

Dagdag pa ni Reyes na ginagamit lamang na palamuti at pang-akit ang Federalismo pero sa likod nito’y pangsariling kapakinabang ng mga pulitiko at ang talagang layunin ng Cha-Cha.


Hinikayat ng grupong Bayan ang publiko na sumama sa isasagawa nilang protesta kontra Charter Change kick off activity ngayon hapon itoy para sa isang Pambansang kampanya kontra sa pagpapalit ng ating Saligang Batas.

Facebook Comments