Ginagampanang papel ng mga Pilipino para sa pagpapatatag ng pundasyon, mahalaga sa Amerika ayon kay US Secretary of State Anthony Blinken

‘Fundamental part of fabric’ ang ginagampanan ng mga Pilipino at Filipino-American sa Amerika.

Sinabi ito United States Secretary of State Anthony Blinken sa isang dinner na hosted ng Philippine Embassy para kay Pangulong Bongbong at kanyang official delegation, at US Cabinet officials sa Blair House dito sa Washington D.C.

Ayon sa kalihim, malaki ang papel na ginagampanan ng mga Pilipino sa pagtatatag sa malakas na pundasyon ng kanilang bansa.


Sinabi pa ni Blinken na mahalaga rin ang mga Pilipino sa international relations.

Halimbawa na ayon kay Blinken si US State of Department Michele Sison na nagsisilbing assistant secretary for international organizations.

Aniya, 70 taon na ang relasyon ng Pilipinas at Amerika batay sa nilagdaang arbitral defense at security.

Facebook Comments