Ginagawang data gathering ng PNP katuwang ang advocacy groups, walang halong politika ayon sa Malacañang

Nilinaw ng Malacañang na hindi politikal ang dahilan ng ginagawang data-gathering ng mga advocacy groups katuwang ng Philippine National Police (PNP).

Pahayag ito ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque kasunod ng sinabi ni Senator Panfilo Lacson na nakakaalarma ang pakikibahagi ng Pambansang Pulisya sa mga ganitong political activities kung saan ginagamit ang public funds.

Ayon kay Roque, walang halong politika sa naturang aktibidad.


Aniya, matagal nang umiiral ang active police community operations kahit pa noong nagdaang administrasyon.

Importante aniya ito lalo’t nagpapatuloy ang laban ng bansa sa terorismo at mga rebeldeng nag-aaklas sa pamahalaan.

Sa katunayan aniya, ginagamit din ito sa Japan upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa kanilang lugar.

Facebook Comments