GINAGAWANG KALSADA SA ALINAM, NAGDUDULOT NG ABALA SA MGA MOTORISTA

Cauayan City – Malaking abala para sa ilang mga motoristang dumadaan sa nasasakupan ng Brgy. Alinam ang binabakbak na kalsada sa lugar.

Sa eksklusibong panayam ng iFM News Team kay Ronald Peralta, kapitan sa nabanggit na barangay, maganda ang proyekto dahil magiging mas maayos pa ang lagay ng kalsada lalo pa’t National Highway ito.

Gayunpaman, dahil sa matagal na pagsasaayos nito ay nagiging abala na ito sa ilang motorista na dumadaan sa lugar, kung saan may mga naitala na rin umanong naaksidente sa parteng ito.


Ayon kay Kapitan Peralta, bagama’t mayroong mga signage na nakalagay sa inaayos na kalsada, delikado pa rin ito lalo na sa mga dayuhan na hindi kabisado ang kalsada at dumadaan lamang sa pambansang lansangan.

Hiling ni Kapitan Peralta na sana ay matapos na sa lalong madaling panahon ang pagsasaayos nito upang magamit na ng mga motorista at wala ng maitala pang anumang insidente.

Facebook Comments