GINAGAWANG SLOPE PROTECTION AT ACCESS ROAD SA WAWA EVACUATION CENTER, SINURI NG BAYAMBANG MDRRMO

Sinuri ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ang isinasagawang slope protection at access road construction sa Wawa Evacuation Center sa Bayambang upang matiyak na maayos, tuloy-tuloy, at naaayon sa pamantayan ang mga proyekto.

Napinsala ang bahagi ng slope protection noong Hulyo dahil sa malakas na pag-ulan na dala ng Bagyong Crising, na nagdulot ng pagguho at banta sa kaligtasan ng mga residente sa paligid.

Bilang tugon, agad na ipinatupad ang rehabilitasyon upang maiwasan ang karagdagang pinsala at mapanatili ang katatagan ng pasilidad na nagsisilbing pangunahing evacuation center sa panahon ng sakuna.

Kasabay nito, tinatayo rin ang access road na layong mapabuti ang daloy ng paglikas at paghatid ng agarang tulong tuwing may emergency.

Patuloy namang minomonitor ng MDRRMO, katuwang ang Engineering Office, ang progreso ng mga proyekto upang matiyak na ang mga ito ay matibay, de-kalidad, at sumusunod sa itinakdang infrastructure standards para sa kaligtasan ng publiko.

Facebook Comments