Ginanap na canvassing of votes at proklamasyon sa pagkapanalo ng pangulo at ikalawang pangulo ng bansa, naging payapa ayon sa PNP

Naging maayos at walang naging aberya ang ginanap na canvassing of votes at proklamasyon sa pagkapanalo nina Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., at Sara Duterte-Carpio bilang pangulo at ikalawang pangulo ng bansa sa Batasang Pambansa sa Quezon City.

Ayon kay Police Major General Valeriano De Leon, Philippine National Police (PNP) Director for Operations, tahimik at mahusay ang pagkakaplano sa canvassing at proklamasyon.

Aniya, may sapat na tauhan mula sa PNP Civil Disturbance and Management ang idineploy sa paligid ng Batasang Pambansa sa Quezon City kaya kahit aniya may nangyaring girian sa pagitan ng mga nagpoprotesta at mga pulis ay hindi pa rin ito nakaapekto sa ginawang canvassing at proclamation.


Sinagot naman ni De Leon ang pahayag ng mga nagpoprotesta na exaggerated ang paged-deploy nila ng pulis sa Commonwealth Avenue.

Aniya, mas maigi na aniyang may presensya ng maraming pulis dahil napigilan ang anomang tangkang panggugulo.

Sa kasalukuyan, naghahanda naman ang PNP sa pagbibigay ng seguridad para naman sa inagurasyon nina Marcos Jr. at Duterte sa susunod na buwan.

Facebook Comments