Ginanap Na Miss Universe 2016 Sa Bansa – Idineklarang Generally Peaceful Ng Pnp….Paghahanda Sa Asean Summit Sa Pilipinas

8

MANILA – Tulad ng mga nagiging laban ni eight Division World Champion Sen. Manny Pacquiao wala ring naitalang anumang krimen sa Metro Manila habang ginaganap ang prestihiyosong Miss Universe kahapon.Ayon kay NCRPO Chief Dir. Oscar Albayalde – sa kabuuan ay “generally peaceful” at naging matagumpay ang pagdaraos ng 65thmiss universe pageant sa bansa.Kasunod nito, naghahanda na rin ang mga otoridad para sa magaganap naman na ASEAN summit sa bansa ngayong 2017.Sinabi ni Albayalde na posibleng magpatupad sila ng signal jamming sa mga lugar kung saan magaganap ang pagpupulong ng mga world leaders.Sa usapin naman ng trapiko – tiniyak ni Albayalde na hindi nila ipapasara ang lahat ng kalsadang dadaanan ng mga deligado upang hindi magdulot ng matinding trafficUna nang ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na ayaw nitong ipasara ang mga kalsada habang ginaganap ang ASEAN summit sa bansa.

Facebook Comments