Ginang, 2 nitong anak , patay matapos malunod sa Ilog sa Upi Maguindanao

Wala ng buhay ang mag- iina ng matagpuan matapos malunod sa bahagi ng Sitio Kiladek Brgy Bantek Upi Maguindanao ala una ng hapon pasado noong August 3 .

Sa report na ipinarating ni PRO ARMM Spokesperson SINS Jemar Delos Santos sa DXMY, sinasabing tinangkang tawirin ng mga mag- iinang sina LINDA MODUNGGEL, 39 yo, kasama ang anak nitong sina MELANIE 11yo habang bitbit rin nito si RITCHEL , isang taong gulang at tulay na gawa sa kawayan sa kasagsagan ng malakas na ulan .

Naunang nadulas ang onse anyos na si Melani at pilit sanang sinaklolohan ng inang si Linda ngunit dirediretso silang nahulog mula sa tulay patungo sa tila galit na galit na ilog ayon pa kay PO1 Gerome Cangrejo, Investigator ng Upi MPS sa panayam ng DXMY ngayong umaga.


Agad na nagsagawa ng search and rescue ang UPI LGU at mga otoridad. Sinasabing natagpuang patay sina ginang Linda at anak nitong onse anyos na si Melanie sa di lamang kalayuan sa pinangyarihan ng aksidente habang sa bahagi na ng Datu Blah area natagpuan ang wala ng buhay na isang taong gulang na si ritchel.

Bumuhos naman ang pakikiramay sa sinapit ng mga biktima habang muli namang nagpaalala ng mga otoridad sa bayan na mag- iingat.

PIC: MDRRMO S.Upi

Facebook Comments