GINANG, ARESTADO DAHIL SA KASONG PAGLABAG SA BOUNCING CHECK LAW

Cauayan City – Arestado ang isang ginang kahapon ika-13 ng Hulyo, sa Brgy. Minante 2, Cauayan City, Isabela, matapos maharap sa kasong talbog cheke.

Sa nakuhang impormasyon ng IFM News Team sa Cauayan City Police Station, ang naaresto ay kinilalang si Alyas “Iza”,31 anyos, at residente ng Brgy. Minante 1, Cauayan City Isabela.

Nadakip ng mga awtoridad ang ginang matapos itong silbihan ng warrant of arrest na inisyu ng korte laban sa kanya.


Samantala, nakalaya rin ang suspek matapos makapagbayad ng P10,000 halaga ng piyansang inirekomenda ng korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Facebook Comments