Arestado ang isang 53-anyos na babae sa Brgy. Caranglaan, Dagupan City sa bisa ng warrant of arrest kaugnay ng kasong grave oral defamation o paninirang-puri sa ilalim ng Article 358 ng Revised Penal Code.
Isinagawa ang pag-aresto sa pamamagitan ng joint operation ng Police Station 2 ng Dagupan City Police Office (DCPO), kasama ang City Investigation and Detection Management Unit (CIDMU) at City Intelligence Unit (CIU).
Inirekomenda ng hukuman ang piyansang nagkakahalaga ng ₱18,000 para sa pansamantalang kalayaan ng akusada.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Dagupan City Police Office ang babae para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon bago iharap sa korte. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments










