Ginang, Arestado sa Kasong Grave Oral Defamation

158

*Cauayan City, Isabela*- Dinakip ng mga otoridad ang isang Ginang matapos isilbi ng mga otoridad ang warrant of arrest nito sa Brgy. 1, Jones, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Edna Domingo, 59 anyos, may asawa at rsidente sa nasabing lugar.


Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan mula sa PNP Jones, inaresto ng kapulisan ang akusado matapos ipalabas ni kagalang galang hukom Heherson Casareno ng MCTC 2nd Judicial Region Jones-San Agustin para sa kasong Grave Oral Defamation sa ilalim ng criminal case no. 19-3264.

Inirekomenda naman ng korte ang pansamantalang kalayaan nito kung makakapagpiyansa ng nagkakahalaga ng (P18,000.00).

Sa ngayon ay nasa pangangalaga ng otoridad ang akusado para harapin ang kaso nito.

Facebook Comments

From Advertisers