
CAUAYAN CITY- Arestado ang isang ginang matapos ang isinagawang manhunt operation ng mga otoridad sa Purok 3, Baluarte, Santiago City.
Kinilala ang suspek na si alyas “Janet”, nasa wastong edad, at residente ng nabanggit na Lungsod.
Naaresto ang akusado sa bisa ng mandamiento de aresto na inisyu ni Hon. Fe Albano Madrid, Judge of Regional Trial Court, Second Judicial Region, Branch 21, Santiago City sa kasong Qualified Theft na inirekomendang piyansa na P50,000 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Sa kasalukuyan, ang suspek ay nasa pag-iingat ng Santiago City Police Office Station 3 para sa kaukulang dokumentasyon bago ibalik sa korteng pinagmulan ng kanyang kaso.
Samantala, ang matagumpay na pagkakaaresto sa suspek ay dahil sa pinagsanib na pwersa ng Traffic Enforcement Unit (TEU) at Police Station 3.